Nagkaroon ng pagpupulong si US Secretary of State Marco Rubio at sI Foreign Affairs Secretary Ma Theresa Lazaro upang mas mapalakas ang economic cooperation ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga napag-usapan ay ang pagpapalakas ng Luzon Economic Corridor at ang ilang usapin sa economic diplomacy maritime cooperation, at pagkakaroon ng shared commitment sa pagpapanatili ng regional peace stability ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro, inaasahan na magkakaroon ng mas magandang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at US hinggil sa nangyaring pagpupulong partikular sa sektor ng ekonomiya.