Tuloy ang dalawang araw na transport strike ng grupong Manibela sa susunod na linggo, November 23 at 24.
Ayon kay Manibela leader Mar Valbuena, sasabayan nila ito ng protesta sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Office sa Quezon City sa Lunes.
Ang protesta ay kaugnay ng napapabalitang pagpapalit ng liderato ng LTO. Kinuwestiyon ng Manibela ang posibleng pagpapalit, dahil maayos naman umano ang pamamalakad ni LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao.
Sa panig ni Transportation Secretary Vince Dizon, sinabi niya na karapatan ng Manibela at ng sinumang grupo na magprotesta.
Sinabi rin ni Dizon na makikipag-usap ang DOTr, kasama ang pamunuan ng LTO, sa mga transport group para pag-usapan ang mga isyu sa sektor. | ulat ni Diane Lear