Nanawagan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection ng imbestigasyon sa umano’y data breach sa JoyRide.
Nasa 504 gigabytes ng datos ang umano’y nakuha ng hacker, kabilang ang mahigit 20.5 milyong customer profiles at 420 libong rehistro ng rider.
Kasama rin umano rito ang NBI at police clearances, driver’s license at mga government-issued ID.
Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, kinumpirma ng JoyRide ang cybersecurity incident, ngunit hindi pa tinutukoy ang bilang ng mga apektado.
Hinimok ni Atty. Inton ang JoyRide na ilahad ang lawak ng insidente at abisuhan ang mga posibleng biktima.
Nanawagan din ito sa NBI na imbestigahan ang insidente at sa DOTr na magpatupad ng mas mahigpit na cybersecurity standards sa motorcycle taxi platforms.