Ikinokonsidera na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng posibleng anggulo para sa paghahanap kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na lahat ng mga impormasyon ay kanilang kinakalap para agad na maaresto ang Senador na mayroong warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), dahil sa pagkakasangkot sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak din ng Kalihim na walang tigil ang mga otoridad para sa mabilisang pag-aresto sa Senador.
Magugunitang huling nagpakita sa publiko ang Senador noong May 13 sa pagdalo nito sa sesyon hanggang ito ay itinakas umano ni Senador Robin Padilla palabas ng Senado, noong May 14.#