Pinaiimbestigahan ni Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa House Committee on Basic Education and Culture at iba pang kaukulang komite ang kakulangan ng pondo para sa Brigada Eskwela at iba pang preparasyon sa pagbubukas ng klase.
Ayon kay Diokno, may mga guro pang nagbabayad mula sa sariling bulsa para sa pagpapaayos, paglilinis, at maintenance ng classrooms — isang sitwasyong taliwas sa mandato ng 1987 Constitution.
Base sa batas dapat na maglaan ang gobyerno ng sapat na pondo sa edukasyon at proteksyon sa mga guro laban sa personal na gastusin.
Ang House Resolution No. 1102 ay inihain nila Diokno kasama sina Reps. Perci Cendaña, Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.
Dagdag ni Diokno na ang imbestigasyon ay maaaring magbukas para sa isang panukalang batas upang palakasin ang institutional support sa mga teacher at iba pang school operations at preparations.