Photo from PSA RSSO1
Bumaba sa 5.8% ang inflation rate sa Region I noong May 2026, ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority – Regional Statistical Services Office 1 (PSA-RSSO1).
Sa presentasyon ni PSA-RSSO1 Supervising Statistical Specialist Teresa B. Olarte, ipinakita na mas mababa ito ng 1.5 percentage points kumpara sa 7.3% inflation rate na naitala noong April 2026.

Samantala, umabot sa 3.8% ang average inflation rate ng rehiyon mula January hanggang May 2026.
Ayon sa PSA, pangunahing dahilan ng pagbagal ng inflation ang sektor ng transportasyon, bunsod ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina kumpara sa nakaraang buwan.

Malaki rin ang naging ambag ng commodity group na housing, water, electricity, gas and other fuels dahil sa mas mabagal na pagtaas ng singil sa kuryente, renta at LPG.
Kasama rin sa mga nag-ambag sa pagbagal ng inflation ang commodity group na restaurants and accommodation services.