DA at NFA, nakapag-padala na ng bigas sa mga apektadong komunidad sa Mindanao
Nakapagpadala na ng 1,200 bags ng bigas ang National Food Authority (NFA) sa pakikipag-tulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), bilang tulong sa mga apektado ng lindol sa Mindanao.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, ilalaan ang 500 bags ng bigas sa General Santos City habang ipadadala naman sa Sarangani ang natitirang 700 bags ng bigas.
Patuloy namang naka-antabay ang DA sakaling kailanganin pa ng karagdagang bigas.