Walang-patid ang mga pagsisikap ng pamahalaan partikular ang Marcos administration upang palakasin at patatagin pa ang labor market resilience sa Pilipinas.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Undersecretary Rosemarie Edillon mahalaga ang mga isinasagawang hakbang ngayon ng pamahalaan lalo’t umiiral ang iba’t ibang economic pressures.
Ani Edillon, mahalaga ang patuloy na operasyon ng labor demand sector sa kabila ng mga kinahaharap na economic challenges ng bansa upang manatiling matatag ang economic standing ng Pilipinas.