Tiniyak ni Senate President Sherwin Gatchalian na handa ang Senado na suportahan at pag-aralan ang mga kasunduang nabuo sa 49th ASEAN Summit upang matiyak na mapapakinabangan ito ng bawat Pilipino.
Ayon kay Gatchalian, inaasahang magbubunga ng mas maraming pamumuhunan, tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya, at oportunidad sa trabaho ang pagpapalalim ng economic ties ng mga bansang kasapi ng ASEAN at kanilang mga katuwang na bansa.
Welcome rin sa Senate President ang resulta ng ASEAN-US Special Summit, partikular ang pagpapatibay sa Ten Public-Private Partnership Principles laban sa online scams.
Giit ni Gatchalian, mahalaga ang mas pinaigting na kooperasyon ng US at mga bansang ASEAN upang maprotektahan ang mga pamilyang Pilipino laban sa financial scams at human trafficking.
Aniya, hindi uunlad ang ekonomiya kung hindi ligtas at maayos ang kapaligiran. Matagal na rin niyang isinusulong sa Senado ang mga hakbang laban sa transnational scam hubs at cyber-fraud networks, kabilang ang mga POGO. | ulat ni Nimfa Asuncion