House Prosecutor, muling iginiit na kinakailangan ‘physically present’ ang senator judges sa impeachment trial
Nanindigan si Manila 3rd district Representative at House Prosecutor Joel Chua na kinakailangang present sa mismong Senate Impeachment Court ang isang Senador para sa gaganaping paglilitis.
Ayon kay Chua, tulad ng mga husgado, hindi naman mabibigyan ng tama at angkop na assessment ng isang Senator Judge ang isang witness o resource person kung ito ay wala naman sa mismong proseso ng impeachment.
Mahalaga kasi ani Chua na makita ng isang hukom ang demeanor at aksiyon ng mga testigo upang matukoy kung totoo o kasinungalingan lang mga sinasabi nito.