Photo courtesy of DA-Philippine Carabao Center
Libreng Artificial Insemination (AI) process ang inaalok ng Department of Agriculture – Philippine Carabao Center para sa mga inahing hayop.
Ayon kay DA-PCC Mariano Marcos State University Artificial Insemination at BLP Coordinator William Gudoy, kasama sa libreng serbisyo ang mga kinakailangang gamit tulad ng semen tank, gloves, langis, AI gun at iba pa na ginagamit para sa Artificial Insemination sa mga hayop.
Paglilinaw pa ng eksperto na mayroong kaukulang bayad ang nasabing proseso kung mga pribadong Village-base Artificial Insemination Technician ang gagawa.
Hindi ito bababa sa halagang ₱1,000 para sa kalabaw habang nasa ₱1,500 naman kung sa baka para sa mga lugar ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra at ilang parte ng Cagayan at Apayao.
Binigyang-diin pa ni Gudoy na maraming benepisyo ang hatid ng AI tulad na malaki ang posibilidad na mabuntis ang mga inahing hayop tulad ng kalabaw, baka, baboy, at iba pa, naiiwasan ang pagkalat ng mga sakit at maganda ang kalidad ng hayop na ipinapanganak.
Ipinunto pa ng ahensya na nakapagbibigay nang magandang trabaho ang AI sa publiko at nakahanda sila magturo nito sa mga interesado.
