Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang Animal Vaccine Development Program na layuning paunlarin ang sariling bakuna ng bansa laban sa malalang sakit ng hayop.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagpirma ng kasunduan kasama ang Bureau of Animal Industry, Philippine Carabao Center, at Central Luzon State University.
May pondong ₱140.9 milyon sa loob ng tatlong taon ang programa na tututok sa pag-develop ng bakuna kontra African Swine Fever at foot-and-mouth disease.
Kasabay nito ang pagtatayo ng Biosafety Level 3 laboratory para sa mas ligtas na pag-aaral ng mga high-risk animal disease.
Ayon kay Laurel, layunin nitong mapalakas ang lokal na produksyon ng bakuna, bawasan ang pag-asa sa importasyon, at palakasin ang proteksyon ng livestock sector laban sa mga outbreak.