Photo courtesy of National Electrification Administration
Inaapura na ng National Electrification Administration (NEA) ang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar na sakop ng DASURECO at SOCOTECO II matapos ang malakas na lindol sa Mindanao.
Personal na sinuri ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda at iba pang opisyal ng ahensya ang kalagayan ng mga apektadong electric cooperative at ang kanilang rehabilitation efforts.
Nagtungo rin si Almeda sa Glan, Sarangani upang inspeksyunin ang nagpapatuloy na pagkukumpuni ng mga nasirang pasilidad ng kuryente.
Patuloy namang nagsasagawa ng power restoration ang SOCOTECO II katuwang ang Task Force Kapatid.
Nagkaloob din ng financial assistance ang NEA, One EC Network Foundation, at AMRECO para sa relief operations sa mga apektadong komunidad.