Screenshot
Malugod na tinanggap ng Pilipinas ang pag-apruba sa International Labour Organization Convention No. 193 o Decent Work in the Platform Economy sa pagtatapos ng ika-114 na International Labour Conference sa Geneva, Switzerland.
Bumoto pabor ang bansa sa kasunduan na naglalayong palakasin ang proteksyon sa mga manggagawa sa digital platform economy, kabilang ang ligtas na kondisyon sa trabaho, patas na pasahod, social protection, at proteksyon laban sa hindi makatarungang pagsuspinde o pagtanggal sa kanilang mga account.
Ayon sa Department of Labor and Employment Secretary Francis Tolentino, patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga polisiya para sa mga bagong uri ng trabaho habang pinangangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.
Kabilang sa mga hakbang ng DOLE ang pagpapalawak ng access ng mga platform worker sa serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng hotline at legal assistance.