Tuloy-tuloy ang mahigpit na monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng Bulkang Mayon matapos na itaas ito sa Alert Level 3.
Sa pagbabantay nito sa nakalipas na 24-oras, naitala sa bulkan ang 14 na volcanic earthquakes at isang rockfall event.
Namataan din ang crater glow o banaag sa bunganga ng bulkan, habang katamtaman ang pagbuga nito ng singaw.
Naitala rin ang sulfur dioxide emission na 1,844 tonelada kada araw mula noong Nov 1, at panandaliang pamamaga ng bulkan batay sa ground deformation monitoring.
Nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan, na nangangahulugang mataas ang aktibidad nito.