Nakasalalay pa rin kung ano ang makakabuti para sa mga Pilipino bago magdesisyon ang pamahalaan na pumasok sa kasunduan sa United States sa pagbili ng langis.
Ito ang tiniyak ng Department of Energy matapos i-anunsyo ni President Donald Trump na sa US na bibili ang bansa ng 100% ng suplay ng fuel at gas ng Pilipinas simula sa January 1.
Sa isang press conference, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na wala pang pinal na dokumento ang kasunduan.
Nakadepende pa rin aniya kung ang ibibigay ng US ay pinakamababang presyo ng langis para seryosong ikonsidera ng Pilipinas ang alok na ito. Pero giit ni Garin, lahat ng ito ay dumadaan pa ngayon sa pag-uusap.
Kung sakali naman aniya na matuloy din ang kasunduan magbebenepisyo din ang Pilipinas dahil sa magkakaroon ng access ang bansa sa mga produkto mula sa US.