Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na paigtingin pa ang ginagawang imbestigasyon.
Ito’y makaraang maaresto ng CIDG katuwang ang iba pang yunit ng pulisya ang dalawang lider ng New Peoples Army (NPA) na itinuturong sangkot sa pambobomba sa Masbate City noong 2001 na ikinasawi ng FEU football player na si Kieth Absalon at pinsang si Nolven.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Ka Gemo” na sinasabing Deputy Secretary ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) ng NPA at “Ka Dayo” na sinasabing acting secretary ng isang Sub-Regional Committee ng rebeldeng grupo.
Magugunitang inaresto ng CIDG ang mga suspek sa isang safe house sa Brgy. Bagong Nayon, Antipolo City noong Nobyembre 18 na nahaharap sa mga kasong kriminal gaya ng murder at attempted murder.
Iniutos din ni Nartatez sa PNP units na panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa pamilya Absalon sa pamamagitan ng naaangkop na mga channel hinggil sa mga pag-unlad sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.