Nagpaalala ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa publiko na tangkiliin lamang ang mga produktong rehistrado sa Food and Drugs Administration (FDA) partikular na ang mantika o cooking oil.
Ito’y makaraang masabat ng mga operatiba ng CIDG at Police Regional Office 5 ang nasa humihit kumulang 1,360 litro ng hindi rehistradong “cooking oil” sa Brgy. Baga-uma, Aroroy, Masbate.
Arestado sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad ang may-ari ng mga iligal na kontrabando na kinilala sa alyas na “VER” nang maaktuhan itong nagbebenta ng mga nasabing produkto na walang kaukulang permit o lisensya para makapagbenta.
Giit ni CIDG Director, Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, bawal ang pagma-manufacture, pagdi-distribute at pagbebenta ng mga produktong hindi rehistrado sa FDA para na rin sa kaligtasan ng publiko.


