Umabot na sa 42,590 ang bilang ng mga dumalaw sa mga sementeryo sa Lungsod ng Malabon sa panahaon ng undas, mula October 30 hanggang kahapon, November 1.
Batay sa monitoring ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), 32,110 sa mga ito ang naitala nitong All Saints Day.
Sa loob naman ng tatlong araw, 172 indibidwal na ang nabigyan ng tulong, kabilang ang medical assistance at iba pang serbisyo. Namamahagi rin ang pamahalaang lungsod ng libreng tubig at kandila sa mga dumadalaw sa mga sementeryo.
Nananatili naman nakaantabay ang 922 kawani ng pamahalaang lungsod at mga katuwang na ahensya para tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, at magbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan.
📸 Malabon LGU

