Mahigpit pa ring nakatutok ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa sitwasyon ng Bulkang Mayon kasunod ng muling pag-aalburoto nito.
Ayon sa DSWD, nananatiling nakahanda ang nasa halos ₱5-bilyong halaga ng relief resources nito para makapagpaabot ng agarang tulong sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng aktibidad ng Bulkan.
Kabilang rito ang nasa ₱93-million Quick Response Fund at ₱4.8-bilyong halaga ng food at non-food items.
Una na ring tiniyak ng DSWD ang nasa 417,886 family food packs (FFPs), 14,137 ready-to-eat food (RTEF) boxes, at 28,366 non-food items (NFIs) na available sa ibat ibang warehouse nito,
Nananatili rin ang monitoring at mahigpit na koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan para matiyak ang mabilis na paghahatid ng kinakailangang tulong.
Sa kasalukuyan, nakataas na ang Red Alert sa DSWD Bicol Region na abala na rin sa pamamahagi ng ready to eat food packs, at family food packs sa ilang mga iniliks na pamilya partikular sa Malilipot, Camalig, at Tabaco City.

