Photo from DSWD MIMAROPA
Nagtapos bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang 32 pamilya sa bayan ng Calatrava, Romblon, sa isinagawang Pugay Tagumpay.
Ayon sa pabatid ng DSWD MIMAROPA, sa programa ay ibinahagi ng mga nagtapos ang kanilang mga naging karanasan, hamon, at mga pagbabagong naranasan habang kalahok sa 4Ps.
Dumalo sa aktibidad si Mayor Elizer Fiedacan at mga kinatawan mula sa DTI, MSWDO, Municipal Agriculture Office, at Public Employment Service Office.
Kasabay ng programa ang pormal na endorsement at referral ng mga nagtapos sa lokal na pamahalaan at iba pang partner agencies, upang mabigyan ang 4Ps graduates ng mga post-intervention at iba pang oportunidad, para sa kabuhayan at pagpapaunlad ng kanilang pamilya.
Layunin ng aktibidad na kilalanin ang mga pamilyang nakatapos sa programa at ihanda sila sa kasunod na yugto ng kanilang pag-unlad matapos ang kanilang pagiging bahagi ng 4Ps.