Positibo ang Philippine National Police (PNP) sa ganap na pagsuko sa mga awtoridad ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Ito’y matapos na i-turnover sa kostudiya ng Pulisya ang humigit kumulang 20 baril ng Senador kasunod ng revocation ng kaniyang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) gayundin ng rehistro ng kaniyang mga armas.
May kaugnayan ito sa kinahaharap na warrant of arrest ni dela Rosa na inilabas ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity bunsod ng war on drugs ng nakalipas na administrasyon.
Samantala, sinabi ng PNP Chief na patuloy ang ginagawa nilang pagtugis kay dela Rosa na nagsilbi rin bilang ika-21 Pinuno ng Pambansang Pulisya.
Inaasahan ng liderato ng PNP ang ganap na paggalang sa batas at sa mga prosesong itinakda ng Konstitusyon na pawang mga prinsipyong minsang ipinangakong pangangalagaan noon ni dela Rosa.