Photo from Philippine Army
Naghatid ng tulong ang Philippine Army sa mga kababayang nasalanta ng malakas na lindol sa Mindanao, kamakailan.
Bitbit ng mga tropa ng Army ang nasa 190 galon ng inuming tubig buhat sa kanilang Mobile Water Purification Station sa Sitio Linao, Brgy. Tinoto, Maasim, Sarangani para sa 600 pamilya.

Kasama rin sa kanilang ipinamahagi ay ang relief goods na handog ng civilian volunteers para sa mga pamilyang apektado rin ng sakuna sa Brgy. Butulan, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Katuwang ang Philippine Air Force (PAF), naihatid din ng Army ang mga tulong sa mga Barangay ng Molmol, Quiapo, San Isidro, at Sitio Makina ng Brgy. Kalbay gayundin sa Brgy. E. Alegado sa bayan ng Glan sa Sarangani.

Naghatid din ng 400 kahon ng relief goods ang Army sa mga apektadong pamilya sa General Santos City handog naman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).