Photo from PHIVOLCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 23 na volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras batay sa kanilang ulat ngayong June 17, 2026.
Nasa 52 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux sa naturang bulkan batay sa kanilang pinakahuling monitoring nitong June 11, 2026.
May taas na 50-metro ang plume sa bulkan na nasa katamtamang pagsingaw at napadpad sa hilagang-kanluran.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga sa bulkan.
Sa ngayon, nakataas ang Alert Level 1 sa bulkang Bulusan kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-km permanent danger zone at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone o EDZ sa gawing timog-silangan.
Ipinagbabawal din ang pagpalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion anumang oras.