Philippine Ports Authority
Ito’y matapos na makitang wala ng problema ang nasabing pantalan ng isailalim sa inisiyal na structural inspections at engineering assessments.
Pero ayon sa PPA, hindi pa tuluyan magagamit ng full operations ang Port of General Santos dahil may tinatapos na na pagsasa-ayos sa ilang bahagi ng daungan.
Maging ang Northgate Weighbridge nito ay pansamantala munang sarado dahil sa lubhang nasira ang ilang istruktira nito.
Dahil dito, nagpapatupad na ng traffic management control ang PPA upang magtuloy-tuloy ang pagpapadala ng mga kargamento.
Nabatid na sinikap ng PPA maayos ang ilang bahagi ng daungan ng Port of Gensan para na rin sa mga pagpapadala ng tulong sa mga nabiktima ng lindol. | ulat ni Lorenz Tanjoco