Photo courtesy: King Salman Humanitarian Aid and Relief Center
Ligtas na napaghiwalay ang Filipino conjoined twins na sina Olivia at Gianna sa Saudi Arabia kung saan 22 specialized medical staff at surgeons ang naging bahagi ng nasabing multi-stage medical-surgical operation.
Kinailangang dumaan sa anim na medical at surgical stages ang nasabing operation para masiguro ang kaligtasan ng Pinoy conjoined twins na isinagawa sa King Abdullah Specialist Children’s Hospital (KASCH) sa Riyadh nitong June 18, 2026.

Sinagot ng gobyerno ng Saudi Arabia ang lahat ng medical expenses sa nasabing medical-surgical operation ng magkapatid.
Bago ang matagumpay na operasyon, sina Olivia at Gianna ay magkadikit sa dibdib hanggang tiyan at dinala mula Nueva Ecija patungong sa Saudi Arabia nitong Enero sa tulong ng The Two Holy Mosque, King Salman Bin Addulaziz at ni Crown Prince Mohammed Bin Salman.
Lubos na nagpasalamat ang magulang ng Filipino conjoined twins sa gobyerno ng Saudi Arabia para sa lahat ng tulong ng nasabing bansa upang ligtas na mapaghiwalay ang magkapatid na may pagkakataon na ngayong magkaroon ng normal na buhay.