Photo courtesy of Pres. Bongbong Marcos/FB
Umaasa ang mga lider ng ASEAN at Russia na magiging daan ang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran para sa mas matatag na sitwasyon sa Middle East at sa Persian Gulf.
Ayon kay Russian President Vladimir Putin, positibong hakbang ang paglagda ng dalawang panig sa kasunduan at maaari itong magsilbing simula ng mas pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Aniya, mahalaga ang naturang development hindi lamang para sa seguridad sa Gitnang Silangan, bagkus maging sa pandaigdigang ekonomiya.
Ang pagbuti aniya ng sitwasyon sa rehiyon ay maaaring magkaroon ng positibong epekto sa global food at energy markets na matagal nang naaapektuhan ng mga tensyon at kaguluhan sa lugar.
Ang usapin ay kabilang sa mga tinalakay ng mga lider ng ASEAN at Russia kasabay ng pagpupulong para sa ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan.