Photo courtesy of Pres. Bongbong Marcos/FB
Nagbigay ng commitment si Russian President Vladimir Putin sa kahandaan ng Russian Federation na suportahan ang ASEAN sa development ng nuclear energy programs sa rehiyon.
Sa joint press approach matapos ang ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan, sinabi ni Putin na handa ang state-owned nuclear corporation na Rosatom na magbigay ng teknolohiya at kaalaman para sa pagtatayo ng mga nuclear power plant.
Maaari rin aniyang tumulong ang Russia sa pagsasanay ng mga espesyalista at pagbabahagi ng karanasan sa larangan ng nuclear medicine at iba pang aplikasyon ng nuclear technology kabilang sa linya ng agrikultura.
Ayon sa Russian leader, bahagi ito ng mas malawak na layunin ng kanilang bansa na palawakin ang kooperasyon sa enerhiya at suportahan ang lumalaking pangangailangan ng mga bansa sa Southeast Asia.