“Logical” na magkaroon ng arrest warrant si Senator Bong Go mula sa International Criminal Court (ICC) buhat sa pagiging co-perpetrator sa confirmed charges na nakahain sa international tribunal.
Ito ang pahayag ng ICC-accredited lawyer na si Attorney Gilbert Andres matapos sabihin ni Congressman Paolo Duterte na may warrant of arrest na umano ang nasabing korte laban sa mambabatas at iba pang sangkot.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Andres, sinabi nito na bagaman inaasahan ang warrant of arrest, wala namang makapagsasabi kung nailabas na ito lalo’t selyado ang nasabing dokumento.
“Dalawa po palagi ang sagot ko d’yan: una, logical ang post d’yan, ang ICC arrests kasi named naman po s’ya, co-penetrator kasi si Senator Bong Go sa confirmed charges. I always say ‘yung second answer ko po, wala po talagang nakakaalam kasi nakaselyo po ang process na ‘yan at nakaselyo din po ang arrest warrant. Nakita na po natin ‘yan kay Senator Bato Dela Rosa kaya kapag sabi na talaga n’yan ay ‘yung mga kinauukulan law enforcement agencies.
Samantala, ipinaliwanag din ni Atty. Andres kung bakit selyado ang nasabing dokumento.
“Bakit po naka-seal yung proseso na ’yan? ‘Yung arrest warrant para po siyempre hindi matunugan iyong subject kasi mas gusto po ng ICC na ma-implement po nang mahusay, efficient, at effective ng isang bansa kagaya ng Pilipinas,” pahayag ni Atty. Andres.