Photo courtesy of Bureau of Customs
Matapos makolekta ang bayad, inabandona na ng mga cargo forwarding firm ang nasa P330 milyong halaga ng balikbayan boxes.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, nagbayad ang mga OFW sa mga kumpanya para maipadala sa Pilipinas ang mga balikbayan boxes pero hindi ginampanan ng mga cargo forwarding firm ang kanilang responsibilidad.
Nagsimula aniya ang pagsusuri noong Oktubre 2025 matapos dumagsa ang mga reklamo sa kanilang tanggapan, at maging sa social media.
Ngayong araw ay nagsampa na ng reklamo ang BOC sa DOJ para mapanagot ang mga tila nang-scam sa mga OFW.
Matatandaang umaksyon na sa nasabing problema si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan ipinag-utos na ihatid sa mga pamilya ng OFW ang nakatenggang balikbayan boxes nang walang bayad.