Isinusulong ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy at Majority leader Sandro Marcos ang mas pinalakas na hakbang para protektahan ang mga kabataan sa negatibong epekto ng social media.
Sa kanilang inihain ni House Bill 9965 o “Children’s Social Media Safety Act, layon nitong ilatag ang kauna-unahang framework para makontrol ang access at paggamit ng mga bata ng internet.
Sa ilalim ng HB, ipatutupad ang hakbng base sa edad ng mga bata, ang mga wala pang 13 taon gulang na mahigpit na ipagbabawal na gumawa ng kanilang social media accounts at dapat mag age verification system ang mga platform, habang ang edad 13 pataas bago mag 18 years old ay papahintulutan basta may aktibong gabay ng mga magulang o guardian.
Oobligahin din ang social media companies na magkaroon ng ‘monitoring tools’ para masubaybayan ng mga guardian ang online activities ng mga bata.
Nilinaw ni Dy, na ang panukala ay hindi para ilayo ang teknolohiya sa batas bagkus upang gawing mas ligtas ang digital world para sa kanila.
Kapag tuluyang naisabatas, aatasan ang DICT at DepEd na i-integrate ang digital literacy and ethics sa paggamit ng social media sa mga K-12 curriculum at oobligahin ang LGUs na magtatag ng ‘device-free community spaces.
May kaakibat ding parusa ang panukala kung saan ang mga lalabag ay pagmumultahin ng ₱5 hanggang ₱50 million, stop operations o tuluyang ipagbabawal na mag operate sa Pilipinas.