Photo courtesy of Coast Guard District Bicol
Nananatiling naka-high alert ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Bicol dahil sa epekto ng Low Pressure Area (LPA) at Habagat na nagdudulot ng kalat-kalat hanggang malalakas na pag-ulan sa rehiyon.
Ayon sa Coast Guard District Bicol (CGDBCL), naka-standby ang mga tauhan nito habang nakaposisyon na rin ang mga search and rescue asset para sa agarang pagtugon sa anumang insidente sa dagat o emergency na kaugnay ng masamang panahon.
Patuloy ring mino-monitor ng CGDBCL ang lagay ng panahon, alon, at sitwasyon sa mga pantalan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mga komunidad sa baybayin.
Pinayuhan ng PCG ang publiko na manatiling alerto, sumubaybay sa opisyal na weather advisories, at unahin ang kaligtasan.