Photo courtesy of Bureau of Internal Revenue
Pinalawak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa buong bansa ang programang Oplan Kandado para sa mga pisikal o tradisyunal na Negosyo, maging sa mga online business na hindi sumusunod sa tamang pagbabayad ng buwis.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay BIR spokesperson, Deputy Commissioner Marissa Cabreros, ibinahagi nito na mayroong koordinasyon ang kanilang ahensya sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa Department of Trade and Industry (DTI) upang matukoy at maipatigil ang operasyon ng mga online business na hindi sumusunod sa proseso o walang kaulang permit.
Ani Cabreros, kinakailangan nila nang tulong ng DICT at DTI dahil mayroon na itong mga programa hinggil sa mga online business at natutukoy nila ang mga nagiging transaksyon saan man nakabase ang may-ari nito.
Dagdag pa ng opisyal, hiningi na rin nila ang tulong ng iba pang mga online platform upang maprotekhan ang mga consumer.
Ito’y sa pamamagitan nang paghingi sa mga nagrerehistro ng online merchants ng mga kaukulang permit mula sa mga ahensya ng gobyerno.