Photo courtesy of Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña
Iginiit ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na dapat magpatupad din ng umento sa sahod sa ibang mga rehiyon sa buong bansa at hindi lang sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Cendaña, lahat naman ng mga manggagawa sa buong bansa ay nagdurusa sa mataas na presyo ng bilihin.
Pahayag ito ni Cendaña, kasunod ng ipapatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ₱85 na dagdag sa arawang sahod ng pang karaniwang mga manggagawa sa NCR.
Binigyang-diin ni Cendaña na mas mahalaga pa rin na maisabatas ang legislated wage hike na ₱200.
Sa ngayon, kasalukuyang nasa deliberasyon ng House Committee on Labor and Employment ng umaabot sa 17 panukala para sa ₱200 na umento sa sahod.