Welcome sa Malacañang ang pagkakadeklara sa Pilipinas bilang upper-middle income country.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ang nasabing milestone ay repleksiyon o pagpapakita ng mas malakas na economic fundamentals sa ilalim ng Marcos administration.
Ito ani Recto ay magbubukas ng mas maraming trabaho, investments at oportunidad sa bawat Pilipino.
Pagbibigay-diin ng Executive Secretary, hindi lang titulo ang nakuhang status ng Pilipinas kundi nangangahulugan ito na mas lumalago ang ekonomiya ng bansa.
Una nang sinabi ng World Bank na ang pag-angat ng Pilipinas sa upper-middle income status ay bunsod ng broad-based economic expansion na kung saan ay nakapagtala ang bansa ng average annual gross domestic product na 5.8 percent sa nakalipas na limang taon.