Umabot sa 100 EduKahon ang ipinadala ng Department of Education (DepEd) Central Office – Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) upang suportahan ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral na naapektuhan ng 7.8-magnitude na lindol noong June 8, 2026.
Dumating ang mga EduKahon kahapon, Hulyo 1, 2026 sa General Santos City International Airport matapos na ihatid ng Philippine Air Force (PAF) C-130 mula sa Villamor Air Base at ligtas na lumapag sa General Santos City International Airport.

Sa kabuuang 100 EduKahon, 20 ang inilaan para sa Schools Division Office ng General Santos City, habang 80 naman ang ipinamahagi sa Schools Division Office ng Sarangani.
Naglalaman ang mga EduKahon ng mga karagdagang learning resources na magsisilbing suporta sa mga mag-aaral sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Ayon sa DepEd, bahagi ito ng patuloy nitong pagsisikap na matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto at mapanatili ang dekalidad na edukasyon sa kabila ng mga hamong dulot ng kalamidad.
📷 R12 EOC