Photo courtesy of OWWA
Nakapagbigay ng 411 na e-cards ang Overseas Workers Welfare Administration sa mga OFWs sa Warsaw, Poland.
Isinagawa ang pamamahagi ng e-card sa dalawang araw na registration ng OWWA sa naturang bansa at bukod sa bagong registration, may 339 din na nakapag-renew naman ng e-card.
Magagamit naman ito bilang patunay ng pagiging myembro ng OWWA at maaari ring mas mabilis na makakuha ng tulong mula sa pamahalaan. Magiging mas maginhawa rin ang pag-avail ng benepisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Pagtitiyak naman ng OWWA patuloy ang mga gagawin nilang programa upang mapangalagaan at mabigyan ng benepisyo ang mga OFW hindi lang Poland kundi sa iba’t ibang bansa.