Photo courtesy of DSWD
Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Nino, pinaigting pa ng DSWD Calabarzon ang pag-preposisyon nito ng mga family food pack para sa mga komunidad sa rehiyon.
Mula nitong Oktubre, umabot sa 10,400 family food packs ang naipamahagi sa mga satellite warehouse ng DSWD sa Bay, Laguna; Catanauan at Mauban, Quezon; at Tanay, Rizal.
Kabilang dito ang 1,700 food packs na naihatid sa Bay, Laguna; 1,500 sa Catanauan, Quezon; 3,800 sa Tanay, Rizal; at 3,400 sa Mauban, Quezon.
Samantala, mahigit 24,000 food packs naman ang naihatid na ng ahensya sa iba pang mga warehouse sa rehiyon noong Setyembre.
Ayon sa DSWD, bahagi ito ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan sa mga kalamidad upang mapabilis ang pagtugon at paghahatid ng tulong sa mga pamilyang maaapektuhan sa oras ng pangangailangan.