Nagkasa na ng kaukulang aksiyon at hakbang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Antique upang salagin ang inaasahang epekto ng matinding El Niño.
Inihayag ni Antique Provincial Board Member Zoilo Bernardo Tubianosa na siyang tumatayong Chair ng Antique Provincial Board Committee on Health, Sanitation and Social Services na nakapag-distribute na sila ng water pumps at water hose sa mga tahanan upang matiyak ang sapat na suplay ng tubig.
Aniya, papalitan ng nasabing mga bagong water pump ang mga lumang unit habang ang mga ibinigay na water hose ang magkokonekta naman sa mga kabahayan sa communal water sources.
Sa tulong umano nito ay maaga na ring makapag-iimbak ng tubig ang mga residente gayundin ay matitiyak ang maayos na suplay ng tubig.
Hindi naman tumitigil ang pamahalaang panlalawigan sa pagpapatupad ng iba pang mga hakbang upang paghandaan ang epekto ng El Niño sa Antique.