Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa malaking potensyal na pag-unlad ng Iloilo sa tulong ng government bulk water supply project.
Ito ang sinabi ni National Irrigation Administration Administrator Engr. Eddie Guillen sa harap ng gagawing groundbreaking ceremony ng nasabing proyekto ngayong araw.
Sa programang BOSES, sinabi ni Guillen na batid ng pangulo ang pangangailangan ng water supply sa Iloilo para matulungan ang mga residente at negosyante.
Posible namang tumagal sa loob ng 16 buwan ang pagtatayo ng nasabing proyekto.