Nananatiling manipis ang suplay ng kuryente sa Visayas Grid ngayong Miyerkules, November 25.
Ito ang dahilan kaya’t muling itataas ang Yellow alert sa naturang grid epektibo mamayang alas-3 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), maliit lang ang agwat ng Available Capacity ng Grid na nasa 2,609MW sa Peak Demand na nasa 2,529MW na kuryente.
Bukod pa riyan, 10 planta ang kasalukuyang bagsak habang 20 planta naman ang bagaman tumatakbo o gumagana ngunit nasa derated capacity o kapos pa rin ang ibinibigay na suplay.
Itinataas ang Yellow alert kapag hindi naaabot ng operating margin ang contingency requirement ng transmission grid.