Screenshot
Nananatiling manipis ang suplay ng kuryente sa Visayas Grid, ngayong araw.
Ito ang dahilan ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaya’t isasailalim sa Red at Yellow alert ang naturang grid.
Batay sa abiso ng NGCP, epektibo ang Red Alert mula 5:00PM hanggang 6:00PM.
Habang iiral naman ang Yellow Alert 3:00PM- 5:00PM at masusundan 6:00PM- 9:00PM.
Nabatid na siyam na planta ng kuryente ang bagsak habang 21 naman ang gumagana subalit nasa derated capacities o kapos pa rin sa suplay ng kuryente.