Sarah Stier/Getty Images/AFP
Pangungunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Department of Education (DepEd) ang homecoming (November 24) ni Filipino tennis sensation Alex Eala, upang ipagdiwang ang makasaysayan nitong pakikipagtagisan ng galing sa international tennis.
Kasabay na rin ito ng pagkilala sa pangangailangan pa na palakasin ang sports development sa Pilipinas.
Sa Eusebio Gymnasium ng Pasig Central Elementary School, makakatuwang nina Pangulong Marcos ang nasa 1,000 estudyante upang ipagdiwang ang pinakabagong sporting icon ng bansa.
Kung matatandaan, naiposisyon ni Eala ang sarili bilang No.15 sa Women’s Tennis Association (WTA) singles rank, na lumikha ng kasaysayan para sa Philippine tennis.
Una na rin itong nakasungkit ng WTA singles title sa Washington DC ngayong 2026.