Photo courtesy of Department of Transportation
Target ng Department of Transportation (DOTr) na maisaayos ang lahat ng 23 istasyon ng EDSA Busway bago matapos ang 2027.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, pito na sa mga istasyon ang na-rehabilitate habang tatlo pa ang sisimulang ayusin ngayong taon.
Kabilang din sa mga nakatakdang isailalim sa rehabilitasyon ang Balintawak station na mangangailangan ng tinatayang ₱70 milyong pondo, kasama ang pagsasaayos ng footbridge.
Samantala, target namang matapos sa unang quarter ng 2027 ang pagtatayo ng tatlong bagong istasyon sa Cubao, Magallanes, at PITX upang mapalapit ang access ng mga commuter sa busway.
Kanina, personal na ininspeksiyon ni Dizon ang mga elevator sa Balintawak EDSA Busway Terminal na gumagana na ngayon matapos ang ilang buwang hindi nagamit dahil sa pagkasira.