Pupulungin ng Department of Transportation (DOTr) sa Biyernes ang tollway operators para sa ipatutupad na Barriers Up System sa mga tollway.
Layon nitong ibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa harap ng nalalapit na holiday season.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ma-pilot na ang Barriers Up sa mga tollway bago mag-Disyembre.
Sa pamamagitan nito, nakikitang gagaan ang daloy ng trapiko sa tollgates, lalo na sa Balintawak SLEX at Bocaue.