Tumangging magkomento si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kaugnay sa gumugulong na negosasyon patungkol sa pagbuo ng Code of Conduct sa South China Sea.
Ayon kay Teodoro, hindi naman siya naging bahagi ng negosasyon at hindi pa niya nakikita ang buong draft ng naturang code of conduct.
Giit ng kalihim, kailangan niya munang mabasa ang final draft ng COC bago siya makapagkomento sa usapin pero naniniwala siyang magiging iisang kodigo ito ng ASEAN bilang isang samahan ng mga bansa at ng China.
Ito, ayon kay Teodoro ang magsisilbing gabay ng mga bansang bumubuo sa ASEAN sakaling maselyuhan na.
Tiwala rin ang kalihim na maisasaayos nang ganap ang COC sa ilalim ng ASEAN Chairmanship ng Singapore para sa taong 2027.