Suspindido ng in-person classes ang ilang paaralan sa mga probinsya ng Antique at Iloilo nitong Miyerkules, November 25, dahil sa naganap na lindol.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) Region VI, kabilang sa mga nagsuspinde ng klase ang apat na Integrated Schools, isang National High School, at 18 Elementary Schools sa Valderrama, Antique.
Nagsuspinde rin ng face-to-face classes ang tig-isang elementary school sa mga bayan ng Culasi at San Remigio. May suspensiyon din ng in-person classes sa tig-isang elementary school sa Sibalom at secondary school.
Samantala, sa Iloilo, sinuspinde ang mga klase sa lahat ng antas sa mga bayan ng New Lucena, Pototan, Badiangan, Oton, Barotac Nuevo, Cabatuan, Mina, Dueñas, at Alimodian.
Matatandaang niyanig ng Magnitude 5.1 na lindol ang Western Visayas, na ang epicenter ay naitala sa Valderrama, Antique. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang lugar sa Antique, Iloilo, Negros Occidental, Guimaras, Aklan, Capiz, Romblon, at Cebu.