Pinalalawak ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) at Department of Education (DepEd) ang kanilang kooperasyon upang mapahusay ang kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pulong nina MBHTE Minister Atty. Naguib G. Sinarimbo at DepEd Secretary Sonny Angara, tinalakay ang pagsasanay ng mga guro, pagpapabuti sa proseso ng pagkuha ng mga ito, at pagtatayo ng karagdagang paaralan at modular learning centers para sa mga komunidad ng Indigenous Peoples.
Nangako rin ang DepEd ng teknikal na tulong para sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga guro at pagpapabuti ng sistema ng edukasyon sa rehiyon.
Ayon kay Sinarimbo, mahalaga ang mas matatag na mga institusyon, sapat na pasilidad at mga guro, at maaasahang datos upang maisulong ang mga reporma sa edukasyon.
📸 MBHTE MEDIA AFFAIRS AND EDITORIAL SECTION