Pinalakas ng Department of Migrant Workers o DMW Regions 7 at 11 ang kanilang kooperasyon upang mapabilis at mapahusay ang mga serbisyo para sa Overseas Filipino Workers o OFWs at kanilang mga pamilya.
Ito ay matapos bumisita sa Davao City ang delegasyon ng DMW Region 7 noong nakaraang linggo, bilang bahagi ng benchmarking activity na tinawag na 7-11 Partnership.
Pinangunahan ni DMW Region 7 Director Jhoaden Lucero ang delegasyon na nakipagpalitan ng mga epektibong pamamaraan sa DMW Region 11, sa pamumuno ni Regional Director Maria Carolina Agdamag.
Kabilang sa mga tinalakay ang mas mabilis na pagproseso ng dokumento, proteksyon ng mga migrant worker, at mga programang pangkabuhayan para sa mga umuwing OFW.
Binisita rin ng delegasyon ang Migrant Workers Airport Assistance Center sa Davao International Airport upang pag-aralan ang sistema ng pagberipika ng mga dokumento at pagtulong sa mga posibleng biktima ng illegal recruitment at human trafficking.
Ayon kay Lucero, mahalaga ang pagbabahagi ng mga epektibong pamamaraan upang higit pang mapabuti ang serbisyo ng pamahalaan para sa mga OFW at kanilang pamilya.
📷 DMW Davao