Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang mga praktikal na pamamaraan sa paggamit ng mga makinaryang agrikultural sa gitna ng tumataas na presyo ng krudo, climate change, at kakulangan sa produksyon.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. hindi dapat natatapos sa pagbili ng mga traktora, harvester at iba pang kagamitan ang mekanisasyon sa mga sakahan.
Kaniyang binigyang-diin na kakaunti lamang ang maitutulong ng mga makinaryang ito kung walang abot-kayang financing, sapat na suplay ng spare parts, mga sinanay na operator, at maaasahang after-sales services.
Kamakailan, pinangunahan ng DA at Food and Agriculture Organization of the United Nations ang isang conference sa Parañaque City.
Dito, binigyang diin ng Kalihim ang kahalagahan ng modernisasyon sa gitna ng mga banta gaya ng geopolitical tensions gayundin ang banta ng Super El Niño na magdudulot ng lalong higit na pinsala sa sektor.